Simula kahapon ay banned na ang lahat ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa.
Inanunsyo ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa kaniyang ikatlong State Of the Nation Address (SONA).
ALSO READ:
Senior citizens na nakatanggap ng Social Pension noong nakaraang taon, lagpas pa sa target
Pangulong Marcos, nagbigay ng financial assistance at medical equipment sa ospital sa Cebu
Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, maari nang i-deport ng US, ayon kay Ombudsman Remulla
Atong Ang, Number 1 Most Wanted sa bansa ayon sa DILG; Red Notice laban sa negosyante, ihihirit ng pamahalaan
Ayon sa Pangulo, malakas ang panawagan ng mamamayan laban sa operasyon ng POGO sa bansa.
Inatasan ng Pangulo ang PAGCOR na ipatigil ang operasyon ng lahat ng POGO sa bansa.
Ayon sa Pangulo, mayroong hanggang katapusan ng taon ang PAGCOR para siguruhing wala ng pogo na matitirang nag-ooperate sa Pilipinas.
Samantala, inatasan naman ng Pangulo ang Department of Labor and Employment (DOLE) at ang mga economic managers na hanapan ng trabaho ang mga manggagawa na maaapektuhan o mawawalan ng trabaho dahil sa pagpapahinto sa operasyon ng POGO.
(DDC)
