NAKABALIK na sa bansa si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, kaninang ala una ng madaling araw, matapos maaresto sa Indonesia noong Miyerkules.
Si Guo ay sinundo sa Indonesia ng Top-Level Philippine Delegation sa pangunguna nina Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos at PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil.
ALSO READ:
Grupong BAYAN inihahanda na ang panibagong malawakang protesta
Panukalang bumalik ang bansa sa Rome Statute hindi pa natatalakay ng Palasyo
VP Sara, bilib sa mga dating sundalong nagbunyag ng sabwatan ng ilang mambabatas at ICC investigators
Dating Pangulong Duterte, walang direktang utos ng pagpaslang sa Oplan Tokhang, ayon sa defense lawyer
Kasama rin nila ang mga opisyal mula sa National Bureau of Investigation, Bureau of Immigration at iba pang government agencies.
Ayon kay PNP Spokesperson, Police Colonel Jean Fajardo, sakay ang delegasyon ng chartered flight mula Indonesia, at lumapag sa Royal Star Aviation Hangar sa Pasay City.
