INANUNSYO nina Taylor Swift at Travis Kelce ang kanilang Engagement sa social media.
Sa joint Instagram post, isinulat ng couple na “Your english teacher and your gym teacher are getting married,” kasama ang mga litrato habang nagpo-propose ang Kansas City chiefs tight end sa singer.
ALSO READ:
Ang naturang Engagement ay malawak na sinuportahan sa social media, at agad umani ng mahigit 1.8 million Likes ang kanilang IG post sa loob lamang ng dalawampung minuto.
Nagsimulang mag-date ang dalawa noong 2023 pagkatapos mag-perform ni Taylor sa Arrowhead Stadium na tahanan ng chiefs ni Kelce.
Gayunman, 2016 pa nang unang magpahayag ng interest ang Three-Time Super Bowl Winner sa singer-songwriter.