3 July 2024
Calbayog City
Business

Ayala Corporation, binebenta ang bahagi ng kanilang share sa Manila Water

ayala

Inanunsyo ng Ayala Corporation (AC) na ipinagbibili nila ang bahagi ng kanilang investments sa Manila Water Company sa halagang 5.7 billion pesos.

Sinabi ng AC sa Philippine Stock Exchange, na kasama ang kanilang subsidiary na PhilWater Holdings Company, Inc., binibenta nila ang 288,998,734 common shares at 436,243,932 participating preferred shares sa isang buyback transaction.

Pagkatapos ng deal, mananatili sa AC ang 23.5 percent voting stake at 22.5 economic stake sa water concessionaire.

Ang core net income ng Ayala Corporation sa unang anim na buwan ng 2023 ay umakyat sa 55 percent o sa 20.5 billion pesos.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *