4 July 2025
Calbayog City
National

Atong Ang at Gretchen Barretto, itinuturing nang mga suspek sa kaso ng mga nawawalang sabungero

IKINU-konsidera nang mga suspek sa kaso ng mga nawalang sabungero ang negosyanteng si Atong Ang at aktres na si Gretchen Barretto.

Pahayag ito ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, matapos tukuyin ng isa sa mga akusado na si Julie “Dondon” Patidongan, alyas Totoy, si Ang bilang mastermind sa pagdukot sa mga sabungero simula 2021 hanggang 2022 at idinawit din nito ang aktres.

Sinabi ni Remulla na mapapabilang ang dalawa sa mga suspek dahil pinangalanan sila ni Patidongan na nagpakilalang dating security chief ng negosyante sa mga farm nito ng mga panabong na manok.

Una nang nanindigan si Ang na inosente siya, kasabay ng pagsasampa ng reklamo laban kay Patidongan, kahapon ng umaga, at inakusahan ito na tinangka siyang kikilan ng 300 million pesos.

Inihayag ng negosyante na binantaan siya ni Patidongan at isa pang dating empleyado na idadawit sa kaso ng mga nawawalang sabungero kung hindi niya ibibigay ang kanilang hinihingi.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).