NAKAPAGTALA ng ash emission mula sa summit crater ng Bulkang Mayon.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang aktibidad ala una singkwenta ng hapon ng Martes, February 24.
ALSO READ:
Nagbuga ang bulkan ng grayish to brownish na plume na umabot sa isang libong metro ang taas.
Nakuhanan ang aktibidad gamit ang camera sa Mayon Volcano Observatory Crater.
Nananatiling nakataas ang Alert Level 3 sa Mt. Mayon at bawal ang pagpasok sa loob ng 6-kilometer Permanent Danger Zone.




