PATAY ang isang opisyal mula sa 68th Infantry Battalion sa ilalim ng 203rd Infantry Brigade ng Philippine Army sa Occidental Mindoro sa engkuwentro laban sa mga rebelde.
Ayon kay Brig. Gen. Melencio Ragudo, Commander ng 203rd Infantry Brigade, nagkasagupa ang tropa ng pamahalaan at nasa 25 miyembro ng kilusang larangang gerilya ng New People’s Army sa Sitio Salafay, Barangay Monteclaro, sa bayan ng San Jose.
ALSO READ:
Tumagal ng halos isang oras ang sagupaan na ikinasugat din ng dalawang sundalo.
Isang babaeng rebelde na may bitbit na M16 rifle ang inabandona ng mga kasamahan niya sa kasagsagan ng bakbakan.
Dinala ito sa San Jose Police Station para sa imbestigasyon at matukoy ang kanyang pagkakakilanlan para sa isasampang mga kaso.




