23 November 2024
Calbayog City
National

Apollo Quiboloy at 4 na co-accused, mananatili pa rin sa PNP Custodial Center sa kabila kautusan ng Quezon City RTC na ilipat sila ng kulungan

IPINAG-utos ng Quezon City Court ang paglipat kay Pastor Apollo Quiboloy at sa apat nitong co-accused sa Quezon City Jail mula sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Ang order na may petsang Sept. 9, 2024, ay nilagdaan ni Quezon City Regional Trial Court Branch 106 Presiding Judge Noel Parel.

Inatasan ang hepe ng PNP headquarters support service para sa “transfer and commit” nina Quiboloy at Cresente Canada sa New Quezon City Jail sa Payatas Road.

Ang tatlong babaeng co-accused ng pastor na sina Jackielyn Roy, Ingrid Canada at Sylvia Cemanes, ay ipinag-utos na ilipat sa Quezon City Jail – Female Dormitory sa Camp Karingal.

Nakasaad sa order na agad ilipat ng piitan ang lima.

Samantala, inatasan ang wardens ng dalawang Quezon City Jail Facilities, na iharap si Quiboloy at iba pang akusado sa biyernes ng umaga para kanilang arraignment at pre-trial “via videoconference hearing.” 

Si Quiboloy at mga co-accused nito ay nasa kustodiya ng pulisya dahil sa umano’y paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act, pati na qualified human trafficking.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.