Patuloy ang Filipino-American rapper na si Apl.de.ap ng Black Eyed Peas sa taunang tradisyon na kanyang ginagawa tuwing pasko, kasama ang kanyang ina na si Cristina, sa pagpa-pack ng mga donasyon sa kanyang hometown.
Sinabi ni Apl.de.ap, na palagi niyang ipinagdiriwang ang pasko sa Pampanga kung saan tumutulong silang mag-ina para magbalot ng mga aguinaldo para sa mga bata sa Sapang Bato.
ALSO READ:
Aniya, ginugugol nila ang pasko sa pamimigay ng regalo, simula ala siyete ng umaga hanggang ala singko ng hapon sa kanilang bahay.
Idinagdag ng Fil-Am rapper na tuwing kapaskuhan ay dumadalo rin siya sa simbang gabi at kumakain ng bibingka.




