UMAKYAT na sa isandaan limampu’t siyam ang bilang nga mga nasawi sa itinuturing na deadliest fire in decades sa Hong Kong.
Ayon sa mga awtoridad, kabilang sa mga biktima ay isang sanggol at isang siyamnapu’t pitong taong gulang.
ALSO READ:
Marami pang nadiskubreng mga katawan ang mga imbestigador mula sa mga pinangyarihan ng trahedya, gaya sa mga rooftop at mga hagdanan ng buildings.
Ang iba namang biktima ay tuluyan nang naging abo nang matuklasan ng mga awtoridad.
Mula sa 159 na natagpuang bangkay, 140 ang nakilala na, at kinabibilangan ito ng siyamnapu’t isang babae at apatnapu’t siyam na lalaki.




