31 March 2025
Calbayog City
Overseas

6 na Russians patay, 39 na turista nailigtas sa paglubog ng submarine sa Red Sea

ANIM na Russians ang nasawi habang tatlumpu’t siyam na turista ang nasagip nang lumubog ang isang viewing submarine sa Egyptian Red Sea Resort ng Hurghada.

Ayon sa Russian Consulate sa Hurghada, lulan ng submarine na may pangalang “Sindbad” ang apatnapu’t limang turista, bukod sa mga crew.

Sinabi ng konsulado na karamihan sa mga nakasakay ay nailigtas at dinala sa kanilang hotels at ospital.

Nakasaad sa website ng kumpanya na ang submarine ay mayroong malalaking portholes upang makita ng mga pasahero ang nakamamanghang corals at marine life sa Red Sea, at kaya rin nitong mag-dive sa lalim na dalawampu’t limang metro.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).