22 February 2025
Calbayog City
Metro

Ambulansya ng Taguig Rescue, huli sa ilegal na paggamit ng EDSA Busway

ambulansya ng taguig rescue

Hinuli ng mga tauhan ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT) ang isang ambulansya mula sa Taguig Rescue dahil sa hindi otorisadong paggamit ng EDSA Busway.

Dumaan sa EDSA Busway sa bahagi ng Main Avenue northbound ang ambulansya at nang sitahin ng mga otoridad ay wala itong naipakitang trip ticket o dispatch order.

AIRASIA

Bukod dito, iligal ding ginamit ng driver ang sirena at blinkers kahit walang pasyenteng sakay.

Dahil dito, tiniketan ng SAICT ang driver dahil sa mga sumusunod na paglabag:

  • iligal na pagdaan sa busway
  • hindi otorisadong paggamit ng sirena at blinkers Paalala ng SAICT sa mga driver ng emergency vehicles, mahigpit na ipinatutupad ang mga regulasyon upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan sa linya ng EDSA carousel.
donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.