IBINUNYAG ni Alex Gonzaga na nagkaroon siya ng ikalawang miscarriage noong nakaraang buwan.
Sa latest vlog ng kanyang ate na si Toni Gonzaga, sinabi ni Alex na nagpasya sila ng kanyang mister na si Mikee Morada na sumailalim sa In-Vitro Fertilization (IVF) para sa kanilang pagtatangka muli na siya ay magbuntis.
Inihayag ng Vlogger na nagkaroon siya ng ideya na sumailalim sa IVF sa pamamagitan ni dating US First Lady Michelle Obama.
Pinanatiling pribado ni Alex ang pagbubuntis subalit pagsapit ng Oktubre ay natanggap niya ang masamang balita na hindi nagtagumpay ang kanyang pagdadalang-tao.
Kinumpirma ni Alex ang unang beses na siya ay nakunan noong October 2021.