NAUNGUSAN ni Filipina tennis superstar Alex Eala si Coco Gauff, subalit sa paraang hindi gugustuhin ng sinumang player ang pagtatapos ng kanilang laban.
Nakapag-deliver ang bente anyos na Pinay ng 6-2, 2-0 victory makaraang mag-retire ang World No. 4 na si Gauff dahil sa injury sa kanilang Round of 32 match, sa 2026 Indian Wells Open, sa California, USA.
Nakamit ni Eala ang kanyang unang panalo laban sa American ace, dalawang linggo matapos siya nitong padapain sa score na 6-0, 6-2, sa kanilang paghaharap sa Dubai Tennis Championship Quarterfinals noong Feb. 20.
Sunod na makakasagupa ng Pinay tennis sensation si World No. 14 Linda Noskova ng Czech sa Round of 16.




