TINALO ng Pinay tennis player na si Alex Eala si Magda Linette ng Poland sa Round of 32 ng Miami Open.
Sa score na 6-3 at 7-6, umabante si Eala sa Fourth Round ng Sunshine Swing Tournament.
ALSO READ:
Filipinas, pasok sa 2027 FIFA Women’s World Cup
Pinay Tennis Superstar Alex Eala, makakasagupa si Laura Siegemund ng Germany sa pagsisimula ng kanyang Miami Open Campaign
Iran, maglalaro pa rin sa World Cup, ayon sa Asian Football body
Pinay Tennis Superstar Alex Eala, naabot ang bagong career-high No. 29
Maagang nadomina ni Eala ang opening set at tinapos ito sa loob lang ng apatnapung minuto.
Sinubukan pang makabawi ng Polish sa second set pero si Eala pa rin ang nagwagi.
Nauna na ring tinalo ni Eala si Linette noong Enero sa CSB Classic sa New Zealand.
Sunod na makakaharap ni Eala ang World Number 14 na si Karolina Muchova ng Czech Republic sa Round of 16.
