MAKAKAHARAP ni Filipina Tennis Ace Alex Eala ang isang pamilyar na katunggali sa Round of 32 sa 2026 Mubadala Abu Dhabi Open.
Sisimulan ng bente anyos na Pinay ang kanyang kampanya laban kay Zeynep Sonmez ng Turkey sa WTA 500 tournament, ngayong Lunes.
Si Eala ay kasalukuyang No. 49 sa buong mundo at si Sonmez na No. 112 ay una nang nagkasagupa sa first round ng WTA 250 Eastbourne Open qualifiers noong Hunyo ng nakaraang taon.
Pamilyar na rin sila sa isa’t isa matapos mag teamup bilang doubles partners sa dalawang nagdaang ITF tournaments na isinagawa sa Luxembourg at Slovakia.




