MAGBABALIK aksyon ang Filipina Tennis Ace na si Alex Eala matapos mapabilang sa mga player na sasabak sa 2025 MGM Macau Tennis Masters sa Disyembre.
Ang Macau Tennis Masters na isang invitational event tampok ang iba’t ibang mahuhusay na tennis players, ay gaganapin simula Dec. 27 hanggang 28 sa Macao Forum.
Batay sa official website ng Macau Tennis Masters, mapapanood sa tournament ang dalawang legendary captains, apat na high-ranked men’s players, at dalawang high-ranking women’s players.
Makakasama ng World No. 50 na si Eala sa roster ay sina dating Grand Slam champions na Li ng China at Conchita Martinez ng Spain, gayundin si World No. 9 Mirra Andreeva ng Russia.
Kabilang din sa competitors sina Jack Draper ng United Kingdom, Jakub Mensik ng Czech Republic, at Juncheng Shang ng China.




