2 August 2025
Calbayog City
Sports

Alex Eala, kinapos sa katunggaling Czech sa 1st Round ng Canadian Open

KINAPOS ang Filipina Tennis Ace na si Alex Eala kay Marketa Vondrousova, sa score na 3-6, 6-1, 6-2, sa unang Round ng Canadian Open sa Montreal.

Matapos makuha ni Eala ang First Round ay tiniyak ng World No. 65 na si Vondrousova na makababawi ito hanggang sa ma-domina ang Match na tumagal ng dalawang oras at anim na minuto.

Sunod na makakasagupa ng 2023 Wimbledon Champion ang pambato ng Ukraine na si Marta Kostyuk sa Second Round.

Habang ang bente anyos na si Eala ay inaasahang maglalaro sa Cincinnati Open sa US na magsisimula sa Aug. 7.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).