23 August 2025
Calbayog City
Sports

Alex Eala, dumating na sa New York para sa US Open

DUMATING na si Filipina Tennis Ace Alex Eala sa New Year bago ang 2025 US Open.

Sa Instagram, nagbahagi ng kanyang mga litrato si Eala mula sa US na may caption na “New York, New York.”

Ito ang kanyang unang tournament pagkatapos ng Montreal Open sa Canada, kung saan agad siyang nagpaalam sa First Round matapos matalo kay Marketa Vondrousova ng Czech Republic.

Hindi rin nakapaglaro ang bente anyos na Pinay sa Cincinnati Open at Monterrey Open bunsod ng shoulder injury.

Sa kanyang rank ngayon na No. 70 sa Women’s Tennis Association, ang nalalapit na Tournament ni Eala ay Main Draw Debut niya sa US Open.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).