MAKAKASAGUPA ng Alas Pilipinas Men ang African Powerhouse na Egypt ngayong Martes, sa pagpapatuloy ng kanilang kampanya sa 2025 FIVB Men’s Volleyball World Championship sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Magsusukatan ng galing ang mga Pinoy na record na 0-1 at Reigning Men’s African Nations Volleyball Champions na Egypt na may 1-0 record, mamayang ala singko y medya ng hapon.
ALSO READ:
World Pool Champion Mika Immonen, pumanaw sa edad na 52
Alex Eala, kinapos sa Jingshan Tennis Open Semis laban kay Lulu Sun ng New Zealand
Pinay Gymnast Maria Sofia Castillo Rivera, wagi ng 3 medalya mula sa kompetisyon sa Italy
Alex Eala, uusad sa Round of 16 ng Jingshan Open sa China matapos padapain ang kalabang Belarusian
Sisikapin ng Alas Men na makabawi at manatiling buhay ang kanilang kampanya habang target naman ng Egypt na mapasakamay ang ikalawang panalo.
Noong Linggo ay kinapos ang Alas Pilipinas sa kanilang Opening Game laban sa Tunisia, sa score na 13-25, 17-25, 23-25.