TUMAMA ang Magnitude 5.1 na lindol sa Davao Oriental.
Ayon sa PHIVOLCS naitala ang Epicenter ng lindol sa layong 31 kilometers Northeast ng bayan ng Manay, 3:57 PM, kahapon.
10 kilometers ang lalim ng pagyanig at Tectonic ang Origin.
Ang nasabing pagyanig ay Aftershock pa din ng malakas na lindol na tumama sa Davao Oriental noong nakaraang buwan.




