HINDI lalahok ang Akari Chargers sa 2024 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference, bunsod ng injuries sa kanilang key players.
Kinumpirma ito ng PVL sa pamamagitan ng press release, kahapon.
ALSO READ:
NLEX, natakasan ang San Miguel sa PBA Season 50 Philippine Cup
Imports at Fil-Foreign players, binigyan na ng Go signal para makapaglaro sa PVL Reinforced Conference
Pinay Tennis Ace Alex Eala, handang pangunahan ang Team Philippines sa Thailand SEA Games
Magnolia, naungusan ang Barangay Ginebra sa Debut ni LA Tenorio bilang Head coach
Bago ang Chargers ay nauna nang tumanggi ang PLDT High Speed Hitters na sumali sa tournament para pagpahingahin ang kanilang players.
Wala umano itong kinalaman sa dramatic outcome ng 2024 Reinforces Conference Semifinals.
Paglilinaw ng PVL, bago pa man ang semis ng reinforced conference, tumanggi na ang Akari at PLDT sa imbitasyon na sumali sa third conference ng season, dahil sa tinamong injuries ng mga manlalaro.