14 September 2024
Calbayog City
Entertainment

Ahron Villena, binuweltahan ang direktor na umano’y nag-exploit sa kanya

MULING pinukaw ni Ahron Villena ang netizens makaraang i-claim na “in-exploit” din siya ng isang film director na umano’y nagsamantala sa kanya bilang baguhan sa showbiz.

Sa gitna ito ng talamak na sexual abuses sa industriya, kasunod ng pinagdaanan ng young actor na si Sandro Muhlach.

Sa kanyang social media post, pinalagan ni Ahron ang sinabi ng movie director na nagkomento tungkol sa pag-iral ng sexual harassment sa showbiz, at tinawag lang itong “normal” lang.

Sa Facebook, inihayag ng aktor na napa-post siya dahil parang may mali sa sinabi ng direktor, kasabay ng pag-akusa na na-exploit din siya nito sa nakalipas nitong pelikula.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).