PINAIGTING ng Department of Agriculture (DA) ang kanilang Soil Testing Program sa Eastern Visayas upang palawakin ang kaalaman sa Soil Health at magbigay ng tamang rekomendasyon sa mga magsasaka sa rehiyon.
Sinabi ng DA Regional Office na sa pamamagitan ng Deployment ng Mobile Soils Laboratory (MSL), nagsagawa ang Bureau of Soils and Water Management (BSWM) ng Hands-on Training upang mapalago ang kaalaman at Skills ng Technical Personnel sa Soil Testing at Analysis.
Official selection ng CSO representatives, idinaos sa Calbayog City
Mahigit 3,700 na kabahayan sa Eastern Visayas, napinsala ng magkasunod na Bagyong Tino at Uwan
Illegal quarry materials, nasabat sa Brgy. Anislag, Calbayog City, Samar
Mahigit 600 silid-aralan, sinira ng Bagyong Uwan sa Eastern Visayas – DepEd
Inihayag ng kagawaran na ang naturang hakbang ay sumusuporta sa patuloy na pagpapabuti sa Local Technical Expertise at matiyak na makapaghahatid ang Mobile Laboratories ng mabilis, maaasahan, at Science-Based Soil Health Assessments sa Farming Communities sa buong bansa.
Inilunsad ng BWSM ang kauna-unahang MSL sa Eastern Samar bilang bahagi ng Nationwide Program para magbigay ng On-Site Soil Testing at Real-Time Results, direkta sa mga magsasaka.
