30 January 2026
Calbayog City
Entertainment

Actress-vlogger na si Bea Borres, nanganak na noong nakaraang taon

IBINUNYAG ng actress at vlogger na si Bea Borres na isinilang na niya ang kanyang anak na babae na pinangalanan niyang Victoria Hope.

Sa posts sa kanyang social media accounts, ibinahagi ng celebrity mom na naiuwi na niya sa wakas ang kanyang baby matapos manatili sa Neonatal Intensive Care Unit (NICU) sa loob ng 44 days.

Ito ang unang pagkakataon na isiniwalat ni Bea na nanganak na siya, at ikinatuwa ito ng kanyang fans.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).