INANUNSYO ng aktres at content creator na si Bea Borres na ipinagbubuntis niya ang panganay na anak.
Sa Youtube, ibinahagi ni Bea ang walong minutong video na may mga clips mula nang malaman niya ang tungkol sa kanyang pagbubuntis.
Kris Aquino, sasailalim sa Isolation sa loob ng 6 na buwan
Charo Santos, ibinahagi ang kanyang Fangirl Moment kay Hyun Bin sa pagbisita ng South Korean Superstar sa Pilipinas
SB19, magre-release ng Physical Disc ng ‘Simula at Wakas’ sa Japan
Jihyo at Tzuyu ng TWICE, bibisita sa Pilipinas bago ang kanilang concert sa Oktubre
Sinamahan siya at tinulungan nina Toni Fowler at Alex Gonzaga nang una siyang sumalang sa Pregnancy Test.
Sinabi ni Bea na babae man o lalaki, ay magiging pinakamasaya siya, basta ligtas at malusog ang kanyang baby.
Idinagdag ng vlogger na gusto niyang mag-sorry sa kanyang sarili dahil hindi niya ito inaasahan subalit proud pa rin siya.
Aminado rin si Bea na hindi siya handa subalit nangako siya sa kanyang magiging anak na magiging Best Mom siya.