PISO na lang ang sisingiling terminal fee sa mga RORO vehicles na may lulang agricultural products simula sa April 15.
Ayon sa Department of Transportation, ito ay bahagi ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para maibsan kahit papaano ang hirap ng mga transport sector bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Ang pag-iral ng Piso Terminal Fee ay aplikable para sa Type 3 vehicles gaya ng Light Delivery Trucks, Vans, at Pick-Up Trucks.
Gayundin ang mga Type 4 vehicles gaya ng Heavy Delivery Trucks na may lulang unprocessed agricultural products gaya ng palay o bigas, mais, prutas, gulay, fishery products, at livestock and poultry.
Simula April 15 mula sa two hundred fifty-eight pesos ay piso na lang ang terminal fee para sa Class 3.
Habang mula sa five hundred sixteen ay piso na lang din ang terminal fee ng mga Class 4. Ayon kay DOTr Secretary Banoy Lopez, tatagal ng anim na buwan ang discounted terminal fee.




