ISANG abogado ang nasawi matapos barilin sa labas ng kanyang bahay sa Puerto Princesa City sa Palawan.
Kinilala ang biktima na si Joshua Lavega Abrina, dating legal officer ng Department of Education (DepEd) Office sa Palawan at konektado sa Administrative Division ng Philippine Ports Authority-Puerto Princesa.
ALSO READ:
Bilang ng mga nasawi sa gumuhong landfill sa Cebu, lumobo na sa 25
Day of Mourning, idineklara ng Cebu City para sa mga biktima ng pagguho sa Binaliw landfill; death toll, umakyat na sa 20
DSWD, patuloy ang repacking ng food packs para sa mga pamilyang apektado ng Mt. Mayon
8 taong gulang bata, pinatay sa saksak sa San Pablo City sa Laguna
Sa Report ng pulisya, kadarating lamang ni Abrina mula sa Prayer Meeting at nagbaba ito ng mga gamit mula sa sasakyan nang barilin ng salarin.
Nagsasagawa na ng mga imbestigasyon ang mga awtoridad at bumuo rin ang Puerto Princesa City Police ng Special Investigation Task Group na tututok sa kaso.
