3 July 2024
Calbayog City
Business

Aanihing bigas ngayong Setyembre, inaasahang lalago sa 1.4 million metric tons

bigas

Inaasahang lalago sa 1.4 million metric tons ang maaaning bigas ngayong Setyembre, sa pagsisimula ng pag-a-ani ng mga magsasaka.

Sinabi ni Bureau of Plant Industry (BPI) Director Gerald Glenn Panganiban, na may ilang magsasaka ang inagahan na ang kanilang pagha-harvest, upang magkaroon ng sapat na supply at mapunan ang local demand.

Idinagdag ni Panganiban na kapareho rin ng kanilang projection ngayong Setyembre ang maha-harvest sa Oktubre, at mananatili aniyang bukas ang importasyon kung kakailanganin.

Sa pinakahuling datos mula sa Department of Agriculture, ang presyo ng local commercial rice sa mga palengke sa Metro Manila ay naglalaro sa 40 hanggang 66 per kilo habang ang imported commercial rice ay mula 45 hanggang 60 pesos kilo depende sa variety.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *