MARIING kinondena ng pamahalaan ang pag-atake ng Israel sa Doha, Qatar.
Ayon sa pahayag na inilabas ng Department of Foreign Affairs, ang naturang pag-atake ay malinaw na paglabag sa International Law particular sa Fundamental Principles ng Sovereignty at Territorial Integrity na isinasaad sa United Nations Charter.
Paglipat ng Flood Control Project Funds sa edukasyon, suportado ng Budget Department
Paglalagay ng 2 pang Temporary Pumps sa Sunog Apog Pumping Station sa Maynila, ipinag-utos ng DPWH chief
ICI, inirekomendang kasuhan si Zaldy Co at iba pang mga opisyal ng DPWH bunsod ng Flood Control Project sa Mindoro
Rep. Zaldy Co, nagbitiw bilang kongresista!
Binigyang-diin ng pamahalaan ng Pilipinas na ang kahalagahan na magkasundo ang magkabilang partido sa pagpapatupad ng agaran at Permanenting Ceasefire.
Dapat ding sundin ng nagbabangayang partido ang kanilang obligasyon sa ilalim ng International Humanitarian Law, tiyakin napoprotektahan ang mga sibilyan at pag-usapan ang pangmatagalan at komprehensibong kapayapaan sa Gitnang Silangan.
Sinabi ng DFA na patuloy na binabantayan ng Embahada ng Pilipinas sa Doha ang sitwasyon at pinayuhan ang Filipino Community sa Qatar na manatiling panatag at sundin ang abiso at utos ng mga otoridad.