NANAWAGAN ang Department of Trade and Industry (DTI) Eastern Visayas sa Local Government Units (LGUs) na palakasin ang kanilang Local Price Coordinating Councils (LPCCs) upang matiyak ang abot-kayang presyo ng mga bilihin para sa lahat ng residente.
Sa isinagawang LPCC Summit kahapon, sa Tacloban City, hinimok ni DTI-8 Director Celerina Bato ang Local Government Officials na paigtingin pa ang Price Monitoring at palakasin ang Interagency Collaboration sa National Government.
ALSO READ:
Illegal gun dealer, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Calbayog City
Halos 3 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan, ipinagkaloob ng DOLE sa mga grupo ng kababaihan sa Southern Leyte
Mahigit 142,000 na disadvantaged workers, natulungan ng TUPAD sa Eastern Visayas noong 2025
Eastern Visayas, nakapagtala ng 0.7% Inflation noong 2025; pinakamababa sa loob ng 30 taon
Ayon sa DTI, mula sa 149 na mga lalawigan, lungsod, at bayan sa rehiyon, 141 ang nag-activate ng kanilang LPCCs, hanggang sa kalagitnaan ng 2025.
44 dito ay sa Leyte, 20 sa Southern Leyte, siyam sa Biliran, 24 sa Samar, 23 sa Eastern Samar, at 24 sa Northern Samar.
