MAHIGIT isandaan limampung kumpisalan o confessionals ang itinayo ng mga preso mula sa Portugal para magamit sa idinadaos na World Youth Day (WYD).
Available na ang mga confessional na nasa Parque Do Perdao o Reconciliation Park para sa World Youth Day sa Lisbon. Ang nasabing mga confessionals ay itinayo ng mga inmates mula sa bilangguan sa Coimbra, Paços De Ferreira at Porto.
Mayroon ding mga pari na handang tanggapin ang mga mangungumpisal. Ayon sa CBCP News, ang mga pari ay mayroong iba’t ibang nationalities para ma-accommodate ang mga nangungumpisal at mauunawaan ang limampu’t limang lengguwahe.