SUMAMPA na sa dalawampung katao ang nasawi habang dalawampung iba pa ang nawawala dahil sa malawakang pagbaha bunsod ng malakas na pag-ulang dala ng bagyong “Doksuri”.
Nabatid na una nang nanalasa ang nasabing bagyo sa Pilipinas na pinangalang Egay at sa Southern Fujian Province bago tumama sa hilagang bahagi ng China.
Dahil sa matinding pag-ulan, ilang bahagi ng kalsada sa Beijing at ilang lalawigan din ang nalubog sa baha.
Tinatayang namang aabot sa isandaang libo katao ang inilikas sa naturang lugar bunsod ng kalamidad.