KINUMPIRMA ng India na pag-aari nila ang Metal Dome na inanod sa dalampasigan ng Western Australia.
Sinabi ni Sudhir Kumar, Spokesperson ng Indian Space Agency, na bahagi ng kanilang Polar Satellite Launch Vehicle ang natagpuang malaking Metal Dome.
Matatandaang inanod sa baybayin ng Green Head Beach ang nasabing bahagi ng Satellite at naging palaisipan ito sa mga Otoridad sa Australia.