INATASAN ng Department of Transportation (DOTr) ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mag-isyu ng Special Permits sa 268 na mga bus na bumi-biyahe mula Sapang Palay at Fairview.
Ito’y para payagan ang mga bus na magsakay at magbaba muli ng mga pasahero sa kahabaan ng NIA Road sa Quezon City.
Sinabi ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez, na makikinabang sa hakbang na ito ang mga Senior Citizen at Persons with Disabilities na kailangang maglakad ng malayo para makasakay ng bus.
Nilinaw naman ng DOTr na ang mga bus ay mahigpit na pinagbabawalan na pumarada o gamitin ang NIA Road bilang Terminal.