12 October 2025
Calbayog City
Province

DOLE, namahagi ng mahigit 48 million pesos na ayuda sa Masbate

NAGBIGAY ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng mahigit 48 million pesos na halaga ng iba’t ibang tulong sa may siyam na libong residente sa Masbate na naapektuhan ng Bagyong Opong.

Noong nakaraang Linggo ay personal na binisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama si Labor Secretary Bienvenido Laguesma ang mga naapektuhang komunidad at pinangunahan ang pamamahagi ng Government Assistance sa Nursery Elementary School sa Masbate City.

Tiniyak ng pangulo sa mga pamilya na tutulungan sila ng pamahalaan hanggang sa sila ay makabangon mula sa kalamidad.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).