IBINUNYAG ng grupong Bayan Muna na nakaranas ng Torture at pang-aabuso ang ilang Persons with Disabilities na kabilang sa nakulong sa Manila Police District kasunod ng protesta noong Sept. 21.
Ayon kay Dating Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate, kabilang dito ang PWD na si Edzel Santos, na anak ng isang Bayan Muna member mula Tondo.
Ayon kay Santos, nakaranas siya ng pananakit, Suffocation, Forced Labor, at iba pang uri ng pang-aabuso habang nasa kostodiya siya ng pulis.
Malinaw ayon kay Zarate na paglabag ito sa karapatan ng mga may kapansanan.
Posible ayon kay Zarate na pinag-initan si Edzel ng mga pulis dahil nagsalita sa media ang kaniyang ina.
Nagtamo din ng sugat sa kanilang katawan ang iba pang PWDs na sina Alexis Bisuyo at Alvin Karingal sa kasagsagan ng Police Interrogation.




