SINABAYAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagkain ang mga benepisyaryo ng Walang Gutom Kitchen Program ng Department of Social Welfare and Development.
Binisita ng pangulo ang ang WGK sa Pasay City at tumulong din sa paghahanda ng pagkain para sa Beneficiaries.
ALSO READ:
Ang Walang Gutom Program ay bahagi ng programa ng Administrasyong Marcos na tuldukan ang kagutuman ng mga Filipino.
Araw-araw umaabot sa 600 Walk-In Clients ang napapakain sa Walang Gutom Kitchen na isang Community Food Bank at Soup Kitchen.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, nais ni Pangulong Marcos na magbukas ng mas maraming Food Bank – Soup Kitchens sa iba pang bahagi ng bansa para malabanan ang gutom.




