TUMAGAL ng halos walong oras ang ikaapat na Pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa mga anomalya sa mga Flood Control Projects.
Bago matapos ang Pagdinig, inirekomenda ni Senador JV Ejercito kay Senate President Vicente Tito Sotto III na irekomendang mapasailalim ng Witness Protection Program ng Department of Justice si Sally Santos ng SYMS Trading.
Finger heart sign ni Sarah Discaya, itinuturing ng DOJ na kawalan ng sinseridad
Hearings ng ICI, hindi mapapanood sa livestream – Executive Director
Mahigit 1,300 mga silid-aralan, sinira ng bagyong Opong at ng Habagat – DepEd
26, napaulat na nasawi bunsod ng mga Bbagyong Mirasol, Nando, at Opong, at maging Habagat – NDRRMC
Si Santos ang nagturo kina Engineer Brice Hernandez at Engineer Jaypee Mendoza na gumagamit sa kanyang lisensya para sa mga Inhouse Projects ng DPWH na kinalaunan ay natuklasang Ghost Projects.
Bukod kay Santos, sinabi ni Sotto na nakipagkasundo siya sa DOJ na pag-aralan ding isailalim sa WPP si Pacifico “Curlee” Discaya.
Hindi naman pinagbigyan ng Kumite ang hiling ni Hernandez na i-lift na ang Contempt Order laban sa kanya upang makakalap ng mga karagdagang ebidensya.
Sinabi ni Sotto na hintayin na lamang makaharap siya sa imbestigasyon ng Independent Commission on Infrastructure para pag desisyunan ang kanyang hiling, depende sa kanyang testimonya.
Samantala, diniretso naman sa Detention Cell ng Senado ang mga na-cite in contempt na sina Engineer Henry Alcantara, Hernandez, Mendoza at Discaya habang si Santos ay dinala sa Senate Clinic makaraang makaranas ng pagkahilo matapos ang Hearing.