14 November 2025
Calbayog City
Entertainment

Daniel Padilla at Kaila Estrada, may relasyon na, ayon kay Ogie Diaz

IBINULGAR ng Veteran Showbiz Host na si Ogie Diaz na “currently dating” ang “Incognito” Co-Stars na sina Daniel Padilla at Kaila Estrada. 

Sa kanyang latest video sa Youtube, unang isiniwalat ng talent manager na may dine-date ng bago ang aktor.

Dahil sa pangungulit ng co-host na si Mama Loi Villarama, tuluyan nang ibinunyag ni Ogie na nagde-date sina Daniel at Kaila.

Idinagdag ng Showbiz host na isang kaibigan niya ang nakakita sa dalawa na magkasama sa isang Mall sa Makati, at kapwa nakangiti sa isa’t isa.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).