1 October 2025
Calbayog City
National

PCG, itinanggi na sinadyang banggain ng barko ng BFAR ang Chinese Ship sa Scarborough Shoal

ITINANGGI ng Philippine Coast Guard (PCG) na sinadyang banggain ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Vessel ang barko ng China Coast Guard (CCG) sa Scarborough Shoal.

Sa Press Conference, pinabulaanan ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Jay Tarriela ang pahayag ng Beijing na binangga ng BRP Datu Gumbay Piang ng BFAR ang CCG Ship, noong Martes

Aniya, walang banggaan na nangyari at ang BFAR Vessel na hindi naman gumagalaw ang inatake ng Water Cannon ng dalawang barko ng CCG.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).