ISINIWALAT US President Donald Trump na hindi siya inabisuhan ng maaga ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu hinggil sa pag-atake ng Israel sa Qatar noong nakaraang linggo.
Ginawa ni Trump ang pahayag, kasunod ng Report na ipinabatid ni Netanyahu sa US President ang naturang pag-atake bago nila ito isinagawa.
ALSO READ:
Sinabi naman ng Trump Administration na nalaman lamang nila ito noong nasa himpapawid na ang missiles, kaya wala nang pagkakataon para mapigilan nila ang pag-atake.
Una nang tinangka ng Israel na paslangin ang political leaders ng Hamas sa pamamagitan ng Airstrike sa Qatar noong nakaraang Martes.
Iginiit din ni Trump na wala siyang kinalaman sa desisyon ng Israel na atakihin ang Qatar.




