BINIGYANG diin ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na kailangan ng Whole-of-Government Effort na kinapapalooban ng Regulators, Institutions, at Enforcement Agencies, para masugpo ang Money Laundering at Terrorist Financing.
Sa Budget Deliberations sa Senado, tinanong ni Senador Erwin Tulfo ang AMLC Officials kung sapat na ang request nilang 333.1 million pesos na alokasyon sa 2026 para mahinto ang Financial Crimes.
Senior citizens na nakatanggap ng Social Pension noong nakaraang taon, lagpas pa sa target
Pangulong Marcos, nagbigay ng financial assistance at medical equipment sa ospital sa Cebu
Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, maari nang i-deport ng US, ayon kay Ombudsman Remulla
Atong Ang, Number 1 Most Wanted sa bansa ayon sa DILG; Red Notice laban sa negosyante, ihihirit ng pamahalaan
Inamin naman ni AMLC Executive Director Matthew David na hindi nila ito magagarantiyahan ng isandaang porsyento dahil mahalaga aniya ang kooperasyon ng mga ahensya, gaya ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at iba pang Regulators.
Samantala, hinimok naman ni Senador Panfilo Lacson ang AMLC na itodo na ang kanilang Budget Request at anuman ang kanilang kailangan ay isumite nila sa Position Paper kahit lagpas pa ito sa hindi inaprubahan ng National Expenditure (NEP), dahil hihimayin naman aniya ito sa Senado.
333.1 million pesos ang orihinal na hiling na Budget ng AMLC para sa 2026, subalit 170 million pesos lamang ang inaprubahan sa ilalim ng NEP, kaya mayroong Gap na mahigit 160 million pesos.
