AKTIBONG lumahok ang lalawigan ng Samar sa Nationwide “Handog ng Pangulo Serbisyong Sapat, para sa Lahat,” na ginanap noong Sabado, Sept. 13, sa Tandaya Hall, sa Catbalogan City.
Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Atty. Ernesto Perez, director general ng Anti-Red Tape Authority (ARTA), na ang pagseserbisyo publiko ay isang prebilehiyo at dapat magsilbing inspirasyon sa bawat isa para gumawa ng mas mabuti.
Aniya, ang serbisyo ng pamahalaan ay dapat maramdaman ng bawat Pilipino, bawat pamilya, barangay, komunidad, at ng buong bansa.
Binigyang diin din nito sa kanyang paalala ang kahalagahan ng mahusay, madaling lapitan, at pamahalaang nakatutok sa mamamayan.
Ang Serbisyo Caravan ay isang One Stop Hub para sa Government Services, na nagdadala ng mga programa at tulong na direkta sa mga tao.
Kabilang dito ang Medical Consultations, Agricultural Support, Social Protection Programs, at Employment Opportunities.
Itinampok din sa Event ang Job Fair, pamamahagi ng Livelihood at Financial Assistance, Trade Fair, at Seed Distribution para sa mga magsasaka at Agricultural Workers.