NAG-shooting ang South Korean actress na si Park Min Young ng ilang eksena sa Clark International Airport, para sa kanyang bagong series na “Confidence Queen.”
Sa Facebook, ibinahagi ng Airport ang video ng aktres na nakasuot ng pang-flight attendant o airline staff.
ALSO READ:
BB. Pilipinas Universe 1989 Sara Jane Paez Santiago, pumanaw sa edad na 58
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Ang “Confidence Queen” na isang Korean Original Drama, sa ilalim ng Prime Video, ay Crime Comedy Series na kinatatampukan din nina Park Hee Soon at Joo Jong Hyuk.
Si Min Young ay nakilala sa kanyang pagganap sa Korean Dramas, gaya ng “Marry My Husband,” “Forecasting Love and Weather,” at “What’s Wrong with Secretary Kim?”
Noong nakaraang taon ay bumisita sa bansa ang South Korean actress para sa Fan Meeting.
