WALANG balak ang Newly-Appointed Prime Minister ng Nepal na si Sushila Karki na manungkulan ng mas mahaba sa anim na buwan.
Sa kanyang talumpati sa unang pagkakataon matapos manumpa sa kanyang katungkulan, sinabi ni Karki na hindi niya hiniling ang kanyang posisyon at na-obliga lamang siya na tanggapin ito dahil sa pakiusap ng mga tao sa lansangan.
ALSO READ:
2 katao, patay sa pagbagsak ng 1 pang crane sa Thailand
Mahigit 30, patay matapos bumagsak ang crane sa pampasaherong tren sa Thailand
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
Binigyang diin ni Karki na isasalin niya ang kapangyarihan sa bagong mamumuno sa pamahalaan pagkatapos ng eleksyon sa March 5, 2026.
Ang pagkakatalaga sa kanya ay kasunod ng pagkasawi ng mahigit pitumpu katao sa Anti-Corruption Protests na nagpatalsik sa gobyerno ng Nepal.
Nanumpa si Karki matapos ang kasunduan sa Protest leaders mula sa tinawag na “Gen Z” Movement.
