29 September 2025
Calbayog City
Province

25 million pesos na halaga ng Smuggled na sigarilyo, kinumpiska sa Zamboanga City

TINAYA sa 25 million pesos na halaga ng mga Smuggled na sigarilyo ang kinumpiska ng mga awtoridad sa operasyon sa karagatan sa pagitan ng dalawang isla sa Zamboanga City.

Sinabi ni Col. Fidel Fortaleza Jr., Director ng Zamboanga City Police Office, na nasamsam ang Smuggled Cigarettes, sa pagitan ng mga isla ng Sacol at Manalipa.

Aniya, nagsasagawa ang mga tauhan ng 2nd Zamboanga City Mobile “Seaborne” Company ng Maritime Patrol nang maispatan ang isang motorboat sa lugar.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).