NADISKUBRE ng 8th Infantry Division ng Philippine Army ang imbakan ng matataas na kalibre ng armas at kagamitan sa pakikidigma sa Eastern Samar.
Kasunod ito ng serye ng mga operasyon laban sa Communist New People’s Army Terrorists (CNT).
ALSO READ:
Ang mga narekober ay kinabibilangan ng rifles, magazines, mga bala, at personal na kagamitan.
Pinuri ng militar ang operasyon na itinuturing na malaking dagok sa Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC) at sa kanilang Operational capability.
Iniugnay ni Major General Adonis Ariel Orio, Commander ng 8th Infantry Division, ang tagumpay na ito na walang tigil na operasyon ng militar at lumalawak na suporta ng komunidad.