IBINALIK sa piitan si Dating Thai Prime Minister Thaksin Shinawatra, kasunod ng Ruling ng Supreme Court na palabas lamang ang kanyang Hospital Detention upang maiwasang makulong.
Matatandaang ilang oras lamang nanatili sa kulungan si Thaksin nang bumalik ito sa Thailand mula sa labing limang taong pag-self exile noong August 2023, bago ito ma-ospital makaraang dumaing ng problema sa puso at pananakit ng dibdib.
2 katao, patay sa pagbagsak ng 1 pang crane sa Thailand
Mahigit 30, patay matapos bumagsak ang crane sa pampasaherong tren sa Thailand
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
Ang kanyang walong taong sentensya dahil sa Conflicts of Interest at Abuse of Power habang Prime Minister simula 2001 hanggang 2006 ay pinaikli ng isang taon ng hari.
Pinalaya si Thaksin sa bisa ng Parole makalipas ang anim na buwang Detention, na ang kabuuan ay ginugol niya sa VIP Wing ng isang ospital.
Sinabi ng Korte na dapat bumalik ang dating prime minister para pagsilbihan ang isang taong sentensya sa kulungan, matapos mapatunayan na sadyang pinahaba ang pananatili nito sa ospital bunsod ng Minor Surgeries na hindi naman kailangan.
