INILUNSAD ng Department of Agriculture ang “Benteng Bigas Meron Na” Program sa mga magsasaka sa Western Visayas.
Naglaan ang DA ng limangdaang (500) sako ng bigas sa Warehouse ng National Food Authority sa Iloilo City.
ALSO READ:
Ito ay upang makabili ng murang bigas na P20 per kilo ang mga magsasaka sa rehiyon.
Kabilang sa maaaring makabili ng murang bigas ang mga magsasaka at Farm Workers na nakakrehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture at nagsasaka ng hindi lalagpas sa dalawang ektaryang lupain.
Maaari silang makabili ng hanggang sampung (10) kilo ng bigas kada buwan o limampung (50) kilo ng bigas sa loob ng limang buwan.




